Tinanong ko yung kapitbahay namin kung magkano kuha nya dun sa clowns nung birthday ng bagets nya, P2500 daw. P2500?!? Kthnxbye.
I searched sa Sulit, there I found Alvarez Clowns. Sulit nga! Imagine, P900 lang for two clowns na. They will be the host, do magic tricks and balloon twisting. Oye! This is it! I contact Sir Rems thru FB, ayun, sagot kagad, after a few minutes naka-book na ko. I asked him paano ang payment, I was thinking kailangan ko muna magdownpayment. He said, no need na daw. Their policy daw kasi is trabaho muna bago bayad. Madali palang kausap 'to eh. Nice!
Few days before the party, Sir Rems texted me, kinoconfirm lang nya kung tuloy daw ba. I said yes.
On the day of the party itself, someone texted me. CJ daw. Sya daw yung padala ni Rems. Papunta na daw sila. They were very early to think naligaw pa daw sila because nalito daw sila sa number ng mga bahay sa street namin. Hehe... Mabait din ang mga boys, they even helped me with the decorations. Tsaka tahimik lang. Well-behaved. I gave them some reminders about something, nagets naman nila, okay daw, they'll keep that in mind. Ok naman. Natandaan nila yung mga bilin ko. Pianapakain ko muna sila bago mag-party, ayaw, nahihiya. Mga 30 minutes before the party, bihis na sila. Yun lang! Mga bisita ko yung late kasi umulan that day. Inalok ko muna ulit silang kumain kasi kawawa naman, ang tagal na nilang naghintay, baka gutom na gutom na sila. Wag daw muna kasi bihis na sila. Oh well, after that nagdatingan na ang mga bisita. And the party starts!
Meet CJ and his sidekick (sorry di ko alam name nya, di kasi sya dumadaldal eh... :P) |
With Kaina during one of their games |
Tawang-tawa ako noh? |
While the guests are eating, dun sila gumawa ng balloon twisting. The good thing here is hindi na-bore yung mga bagets kahihintay sa balloon nila because they were busy eating, unlike dun sa last party na pinuntahan namin, batong-bato na ang mga bata.
One of their creations... |
After the guests are done eating, they proceed with the magic show. Mukhang okay naman. They kids were attentive parin. Hindi pa sila bored. Eto pa, sulit na sulit ang magic show nila, sinesenyasan ko na na blowing of the candle na agad, wag daw muna, madami pa daw silang baon magic. Ayaw paawat ha! Sige pagbigyan, magsawa kayo mag-magic dyan. Haha!
Bongga! |
Thanks again Alvarez Clowns!
Rems Alvarez http://www.facebook.com/pages/Alvarez-Clowns/233324376695204
http://www.sulit.com.ph/index.php/view+classifieds/id/3806763/Alvarez+Clowns+and+Party+needs
0917-417-70-67
288-3218
No comments:
Post a Comment