Sunday, April 15, 2012

Bea's Birthday Preparation: Lootbags and Prizes

As a part of Bea's birthday preparation, I decided to go to DIVISORIA, to buy game prizes and lootbag contents, last Friday.

(Well, nagpunta na kami dati sa Divi kasama ang bida, pero pagdating dun, nagwala na! Naglikot ng naglikot, kaya wala kaming ganong nabili. So this time, iniwan ko na lang si Bea kay Mama at ako, naglamyerda! *wink*)

Grabe! Nakakaloka mamili!!! Everywhere I look, there's something I want to buy. Napapasmile nga ko eh... Hahahaha!!! Kung may 5K akong dala, baka maubos ko yun. Kaso P1,400 lang dala ko, so kailangan kong maghunus-dili sa pagbili. (Easy Gen, baka sabihin nilang lukaret ka.*Must compose self!*)

1st stop: Pasilio D-31 Tabora. Bumili ng Tulle na gagamitin ko to make Bea's Tutu skirt. (I'll blog about it some other time.)

G 28-30, 1st floor
Pagpasok ko sa 1st floor ng New Divi Mall, may na-spot kagad ako na gusto kong bilin. Non-woven bags! I will use them for Bea's lootbags. (Note: Non-woven bags are like eco bags we often see in department stores or groceries) Dito ako nakabili ng non-woven, non-expandable bags for P8 each. Amf! Kala ko nakamura ako dito. Ang ganda kasi ng color (aqua blue and lavender) kaya bili naman ako kagad. Too bad they don't have the green that I like. 
P8 x 16 pieces = 128
Tip # 1: Don't be an impulsive buyer. Mapapmahal ka. Mag-canvas muna sa iba. Kung mas malayo sa entrance ang stall, mas mura, according to my observation.

GS 15-16, 2nd floor
Ayy, dito talaga nagsisi na ako, kasi dito ako nakabili ng non-woven, expandable bags for only P7 each.
Amf talaga! See the difference? Expandable to kaya mas marami malalagay, tapos mas mura pa. Mas makapal pa nga tela nito kesa dun sa una kong nabili eh. Gusto kong ibalik yung una kong nabili. Hai buhay. 
P7 x 8 pieces = P56
Ok, let's moooove on...

GS 7, 2nd floor
Eto na, TOYS!!! Weeee!!! I'm like a kid in a candyland. *big smile*
bubbles P18 each
Bubbles are always a big hit on kids.
water game P15 each
I remember playing with this when I was a kid. Uso 'to dati eh. Eto yung pinipindot-pindot para ma-shoot ung mga ring. Bumili ako para naman ma-experience ng mga bata ngayon.
magnetic fishing game P16 each
Eto din, unahan kayo ng kalaro mo makuha ng mga isda tapos paramihan ng huli. Oh childhood memories!
fishing game P18 each
16 toys = P201, okay tawad daw piso kaya P200 lang.

BS 12-14
toys ulit.. hehehe...
iphone P12 each
 Tumitira daw yan ng mga disc sabi nung tindera.
make-up set P18
 Para sa mga kikay na bata.
gas range P30
billiards P30
lutu-lutuan P30
lutu-lutuan again P30
 Pansin nyo, mahilig ako sa lutu-lutuan. Haha! Favorite ko kasi yan nung bata ako.
10 toys = P210

Musical Puzzle Ball P25 each
Dalawa dapat 'to, kinuha ni Bea yung isa, kaya yan isa na lang natira. Para yan sa mga baby guest nya.  Well, kailangan ko ulit bumili nyan kasi dumami ung mga baby.
P50 dalawa

Sulok Store, 2nd floor
I don't know their stall number eh. Basta sa isang sulok lang yung stall nila. There you'll see tons and tons of toys. Grabe! Nakakalula sa dami. Parang bagsakan ng toys ata yun. Yung mga customers nila, mga kahon-kahon bumili. Nahiya naman ako sa konti ng binili ko. Haha!
Eto lang binili ko dun, dami kasi customers as in haba ng pila...
jumping rope P7.50 each
kikay kit (don't know how much)
clay P15 each
9 items = P90

Basement, New Divi Mall
After I bought the game prizes, pumunta ako sa basement. Dun kasi daw maraming bubbles. (Bubbles again???) I will put it naman in the lootbags. Malapit lang ako sa may entrance bumili. Ang dami ko na kasing dala. Di na ko magkanda-dala-dala sa dami!

Ayun, nakabili ako ng bubbles, P45 for 12 pieces, bumili ako ng dalawang pack so P90. May whistle daw un pag hinipan. Hehe. Tapos bumili din ako ng clay, lootbag filler din. P30 for 6 pieces, bumili ako ng 4 na pack, P120.

Clay and bubbles = P210


I've spent a total of P944 for all of it. Pwede na! Madami-dami na akong nabili, diba?

Side kwento:
Sa sobrang saya ko mamili ng mamili, muntik na kong hindi naka-uwi! Leche. Di kasi ako nakapagtabi ng pera. Feeling ko kasi may pagka-Mary Poppins bag ung wallet ko, di nauubusan ng laman, dukot lang ng dukot. Pagtingin ko sa wallet ko, ay langya! Barya na lang pala laman. Buti na lang nagkasya pa para sa pamasahe ko sa pag-uwi. Kung hindi, goodluck sakin. It's either maglakad ako pauwi (Malayo-layo din lalakarin ko, baka gumagapang na ko pag dating ko sa bahay) or manglimos ako ng pamasahe (I doubt kung may manglimos sakin kasi hindi naman ako mukhang pulibi. Haha!) Sa awa ng Diyos, nakauwi naman ako, yun lang, mahilo-hilo na ako sa biyahe, di pa din kasi ako nakakain. Pamasahe nga muntik pa mawalan eh, pangkain pa kaya. Hai naku talaga, minsan nasisiyahan talaga ako sobra, lumilipad na ang utak ko.
Tip # 2: Magtabi ng pamasahe at pangkain ng hindi magaya sakin. ;)

That's all folks! Balik na lang ako sa Divisoria next month, para sa iba pang kailangan.

It's a little over a month na lang, I'm so excited na for my little girl's birthday. Sana maging masaya ang bida! :)

1 comment:

  1. Hello! May plain canvas bag po kaya sa Divi? Saang mall po kaya meron? Please e-mail me gielleds@rocketmail.com thank you!

    ReplyDelete