I pray na sana tumigil na 'tong ulan na 'to. Masyado ng maraming namatay at nasalanta. Tama na Lord please....
Last Monday, while we were sleeping, nagising na lang ako kasi sobrang lakas ng kulog at kidlat. Parang may nagflaflash sa loob ng kwarto namin tapos ramdam na ramdam ko pa na parang nagvivibrate ang paligid dahil sa kulog. Nakakatakot. Niyakap ko nga si Bulilit eh. Feeling ko kasi end of the world na. Hayyyy...
The next day, nagising na lang ako na wala ng kuryente. Binaha kasi ang CAMANAVA... And syempre, para walang ng makuryenteng mga tao, pinatay na lang ang kuryente. Hindi naman kami binaha kasi mataas yung lugar namin. Pero sa highway, puro baha. Wala ngang sasakyan na dumadaan eh. Para bang ghost town. Wala ding mabilang pagkain kasi sarado mga tindahan. Mama went to SM pero panic buying ang mga tao, 3pm pa lang sinasarado na yung grocery. Mahaba pa pila kasi konti lang ang mga cashier, yung iba nga, bagger lang na tinuruan mag-cashier eh.
Back sa bahay namin, buti nakikisama ang Bulilit. Di naman sya nagrereklamo. Keber lang sya sa blackout kasi mahangin namin. Medyo nabobore lang siguro kasi hindi sya makapanuod sa TV. Maglaro at matulog lang ginawa nya. Yun lang, it's so hard to feed her. Ewan ko ba, nakikisabay pa sa ulan, nakakastress. Ayaw talaga kumain. Naghuhunger strike... Hek! Lahat ng ipapakain ko, ikakalat lang. It's so hard kaya to clean up pag walang ilaw. Ang hirap kumapa-kapa ng mga kalat noh? Ay sus...
Not in the mood for a picture Mommy! >:( |
Nakawala din!!! :D |
After 2 days and 2 nights na walang kuryente, ayun, nagkailaw din. Thank God!
The minute na nagkakuryente, binuksan ko kagad yung TV and played Barney. Tuwang-tuwa naman ang mokong. Nagtwitwinkle pa yung mata... Hehehe...
That's all. I hope everything will be alright na. Especially sa mga nasalanta, sana maging maayos na kalagayan nila.
God bless the Philippines...
No comments:
Post a Comment