Sunday, November 25, 2012

We're Back!!!

Hello! I'm so MIA this past few months noh? Eh pano kasi naputulan kami ng wi-fi. Haha! Ganyan talaga buhay. Di kasi kami nakabayad. Pero okay na ngayon. Balik na ang wi-fi namin... :D

Hi guys! Did you miss me? -Bea Bulilit
Anyways, Bea is 1 and 1/2 year old already! Grabe! Ang bilis ng panahon... She's even more makulit now... She climbs on things. Nakakatakot. Last time, she climed her toy, yung parang tools workstation nya, at inabot yung TV, jusme! Buti na lang nakahawak sya dun sa patungan ng TV namin kundi nahulog sya ng bongga at baka nabagok ulo. Oh God...

Another thing is, she loves dancing na ngayon. Everytime na makakarinig sya ng music, she would dance. Bigay-todo talaga sa pag kembot. I love it! Nakakatuwa panuorin. Takes my stress away. And BTW, I love Barney na talaga, everytime she hears kasi the song "I Love You," she would come to me and hug me. Awwww. My heart melts. Yakap talaga sya tapos ipapatong pa nya yung ulo nya sa shoulders ko. Ang lambing-lambing ng baby ko!!! :)

I have good news guys, MAGKAKAWORK NA KO!!! Hahaha! Dapat kasi mag-eenrol ulit ako this sem, but nagkachange of plans, nadelay kasi ang alis ni Papa kaya di ako naka-enroll. Anyways, kesa naman magmukmok ako sa bahay, I told Mama na maghahanap na lang ako ng work. Ayun, after 3 days ng palakad-lakad ko at pag-apply sa iba't-ibang company, MAY WORK NA KO. Yehey!!! I'm so thankful kasi medyo nawawalan na ko ng pag-asa na may tatanggap sakin, kasi nga napaka-blank ng resume ko, wala akong work experience. Ayun sa awa ng Diyos, natanggap ako dun sa jobfair sa Trinoma. Sa January pa ko start pero okay na yun atleast I have time to bond with Bea muna and fix all the requirements needed.

Sana lang maging maganda ang working experience ko dun. I'm looking forward to it. That's all for now... Good night!!! :)

No comments:

Post a Comment