Saturday, August 18, 2012

Bea & The Ref part 2

Remember my post here?

Well, she's been doing it again alot lately. As in maya-maya! Bukas-sara-bukas-sara. Kamusta naman kamo ang electric bill namin diba? Haha!

Last Wednesday (August 15), binuksan nya yung ref, tinitignan ko kung may kukunin sya. Baka nagugutom na. Wala lang, she just sat there. Eh naka-bold sya diba, sabi ko. "Baby, no-no!" Baka kasi malamigan. Then inalis ko sya dun. Hinarangan ko kung pinto ng ref para di na nya ulit mabuksan.


After that, naglaro na sya. Hindi na pinapakialaman yung ref. 

Minutes later, nawiwiwi ako, so pumunta ako ng CR. Pagtapos ko, ito inabutan ko:
Tambay sa Ref
Nagpapalamig lang... ;)
Mommy: Baby! Diba sabi ko "no-no" yan?!?
Bea: Wah! Huli ako ni Mommy! :O
Mommy: Galit Mommy ha. Gusto mo palo kita? >:)
Bea: *KILLER SMILE* XD
Pano mo ba naman mapapalo yang batang yan? Eh ang cute-cute! Mommy's heart melts. Haha! She knows na talaga how to make pa-cute kung may kasalanan sya. Jusme... Cuteness overload. Nakalimutan ko na may kasalanan sya. Tapos ang usapan. :P

O sya, tulog na ako. Good night guys!







Thursday, August 16, 2012

We Love Books

If there's one thing our parents showered us when we were growing up, it's books! Pwede na kami magtayo ng library sa lahat ng books naming naipon through the years. We (my brothers and I) got hooked with Berenstain Bears books. Kinukompleto talaga namin yun. Everytime na pupunta kami sa bookstore, we immediately check kung may bagong labas nun. We were like that until college. Haha!

And now that I have Bea, I want to pass to her our book collection. I can say na buhay padin mga books namin hanggang ngayon. Mama did a good job preserving them. She thought us to take care of our books and so we did. Okay, Bea is kinda young to use our books, we have to wait until she's a little older.

We want to raise Bea to be a book-lover too, so we're starting her own book collection now. Si Mama ang masipag maghanap ng mga hardbound books para kay Bea. Sinusuyod talaga nya yung mga Booksale to look for a good book.

Booksale sells low-priced unused, as well as pre-owned books from US, Canada, Australia nad UK. Keber na lang kung second hand noh, sa mahal ng mga hardbounds ngayon, go lang ng go! Ika-nga ng Booksale, "We make reading affordable!" ;)

Here are some of Mama's Booksale finds:
Wibbly Pig
opens his presents
 This is my favorite book that I read to Bea. Ginagamitan ko kasi ng anime voice ko pag nagbabasa, natutuwa ang bagets.
Bea busy reading kahit baligtad :P
The Little Engine That Could!
This books has alot of lift-and-learn flaps. Bea enjoys discovering what's under the flap. It teaches opposites, counting, shapes and more. This is very sulit kasi every morning ito talaga hinahanap ni Bea. She spends minutes with it. She's quite pag ito kaharap nya. Naaliw sya sobra!

This one naman is Magic English. Christmas Gift ni Mama kay Bea. Nung nalaman ko presyo, grabe, nalula ako. Sabi ko kay Mama, ang mahal, sana hindi na nya binili. But then come to think of it, hindi naman namin winawaldas yung pera kung saan-saan. Educational naman 'to kaya okay na din. As of now, hindi pa ginagamit ni Bea yan. Di pa nya kasi naappreciate. Pati yung mga CD, di pa nya type panuorin. Ideal for 2 years old and above kasi yan so we have to wait a little more.
Magic English
And syempre, di din naman papahuli ang National Bookstore sa mga books nila. Here's Mama's latest finds na sobrang cool!
Making Letters and Making Numbers
your first writing book
 Each letter or number is represented by an indented shape that a child can trace with a finger.
It introduces children to letters and numbers with fun and familiar illustrations.
Bea tracing the letter :)
She makes me trace it too :D
Ang galing no? Thumbs up sa maker nito. Tracing helps children begin to recognize letter and number shapes. It serves as the first step towards writing.

Ang gaganda ng books ngayon 'no? I hope Bea grows up to love books too. Susuportahan ko sya dyan. 

Wednesday, August 15, 2012

Nang Ginutom Si Bea Bulilit

First of all, bago mag-violent reaction yung iba dyan, I would like to say na hindi ko minamaltrato anak ko, okay? 

Being a very picky eater, feeding Bea has always been hard. Nandyan yung hindi mo sa mapatigil sa upuan. Nandyan yung ayaw nyang ngumanga kahit anung gawin mo. Yung iiyakan ka. Yung tatakbuhan ka. Yung mas gusto pa ung jellyace.

At times, nawawalan na ko ng pag-asa na kumain ng matino si Bulilit. I thought I tried it all, until may nagsabi na try ko daw gutumin para kumain.

The first time I heard that, my initial reaction is, "Isn't that kinda harsh for a baby?!?" I mean, kawawa naman diba kung magutom si Baby? Baka sumakit tyan nya. I was totally against it at first. But I've ran out of tactics on how to make her eat. So yun triny ko. :S

I first feed her 240 ml of milk that afternoon. Then, natulog na sya. She woke up around 4:30pm. Ayun, naglaro-laro muna, nanuod, nangulit. After some time, nagpapabuhat na sya, then dinudukot yung dede ko. I put her down. Ignored her. After awhile, naglaro ulit. Then maya-maya, nagpapabuhat na naman. Dukot ulit sa dede ko. She wants milk. Sabi ko sa sarili ko, dapat hindi ako mag-give in sa gusto nya. Hindi ko kasi malalaman kung effective yung gutuman tactic. I just gave her a cup of water instead.

Around 6pm, eto na, time to eat. Grabe! Yung bulilit, hindi makapaghintay. Inaabot nya talaga sa table yung pagkain. Tumitingkayad pa. Mukhang nagutom nga.
Slurping the lugaw
a very hungry baby
The first time she ate tokwa
So is gutumin tactic effective? Yes!

She finished the whole bowl of lugaw in just a few minutes. Plus, nakiagaw pa sya sa tokwa ko. Tapos nagmilk at jellyace pa sya after. She ate alot that time. :)

While watching her eat, natuwa ako. Ang gana-gana nya kumain. Ang dami nyang nakain. But then after nun, I said to myself, hindi ko na uulitin. Hindi ko na sya gugutumin. Naawa ako eh. Parang pinagkaitan sya. Parang binge eating yung nagyari. Baka pagnakasanayan nya, lagi na syang mag-over eat. I don't want that to happen.

So yun, maybe this tactic is not for us. Sa iba, pwede siguro. But Bea is too young. It's harsh. I would not do this again.

Yun lang po. 


Sunday, August 12, 2012

Bea and The KFC Bucket

Ipinagpipilitan nya ipasok ang sarili nyang pumasok sa KFC bucket. Ewan ko ba kung anung trip nitong batang 'to. Sinusuway ko nga eh, tapos nililigpit ko na yung bucket. Kinukuha ulit nya. KULIT!!! Hinayaan ko na lang. Ayan, nagkandatumba-tumba na. :P

A day at SM Marilao

Last July 29 (yeah, super late post), after the mass, we went to SM Marilao. Wala lang. Pasyal-pasyal. Nabobored na kasi kami sa bahay eh. SM Marilao is the place I usually visit to unwind. Mas relax kasi ambiance dun eh. Kalma lang ba. And compare to the nearby SM Valenzuela, mas gusto ko sa Marilao kasi mas maraming nakikita at nabibili dun. And I nag-eenjoy ko yung jeepney ride going there. Naaliw ako sa mga tanawin. Parang probinsya.

Anyways, first stop is Goldilocks. Syempre, lunch na nun. Nagwawala na ung mga bulate ko sa tiyan. Joke! Mama and I ordered Lumpiang Sariwa and Baked Macaroni for Bulilit. Sarap ng lumpia talaga! Naadik na ko dun. Haha!
Eating Baked Mac... :)
As usual, after a few spoons, nagligalig na naman ang Bulilit. Lakad dito, lakad dun. Hindi ako makakain ng matino kaya nung matapos si Mama, kinuha na nya si Bulilit at maglalakad-lakad muna daw sila. Tapos maya-maya, nandun na ulit, pupunta daw sila sa playhouse.
Bea's first time at a Playhouse... :D
busy ang Bulilit...
dami toys!
Weee!!!
She spent 30 minutes there. She was the youngest one there. Ang liit-liit, bubut na bubut pa sya compared the other kids. Ang cute!!!
After that, we went shoe shopping (for Bea, of course)!!! I love it! Ang daming cute shoes dun. But syempre, I got to focus. White shoes ang target namin. Maliit na kasi yung white shoes nya. Kawawa naman paa nya. Naiipit. So there. Must find new white shoes.

I found alot of cute shoes, pero it's either walang size ni Bulilit or walang white. I was going to settle for another Dora shoes already when I found this:

Isn't it cute? Simple lang. Can be paired with anything. 
Sugar Babies white shoes P199.00
 Tapos eto, nakita ni Mama. Wala lang. Na-cutean lang. Haha! Alam mo naman ang Lola, spoiler.
Sugar Babies pink butterfly sandals P399.00
I'm beginning to love Sugar Babies na. Ang gaganda ng designs ng shoes nila. Affordable pa. Wee!!!

After namin mag-ikot-ikot, Bulilit got sleepy. Naghanap ako ng Brastfeeding Station. I know it was near the foodcourt sa ground floor, so punta kami dun. Pagdating namin dun, wala! Oh my gulay! Tanggal na kaya balikat ko sa pagkarga kay Bulilit. Tapos tinanong ko kung nasan na ung BF Station nila, lumipat na daw. Sa 2nd floor na, katabi ng elevator, labas sa fire exit, unang pinto. Ayun na, nandun na kami sa loob, I was trying to nurse her, waley!!! Ayaw! Di ko talaga maintindihan drama nitong batang 'to minsan. Awhile ago, she was screaming her lungs out kasi gusto dumede. Pag dating naman dun, ayaw. Lakas topak. Haha!

So yun, binalikan na namin si Mama sa loob ng department store. Habang nag-iikot-ikot kami, ayun, biglang nakatulog. Wahaha! Biglang ganun. Palabas na kami, then we saw this.
Activity Sketcher P199.75
Yung last sketcher kasi ni Bulilit, nasira eh. Natanggal yung magnet sa pen. Eh kada makikita nya yun, pinapakuha nya. Eh hindi naman sya makasulat, kaya yun, nag-iiiyak. Yan may kapalit na.

And lastly, here's Bea's fashion for that day:
Lipton Baby dress and Tiptoe Shoes
Sailor girl lang ang peg! :)
That's it pansit! ^___^






Thursday, August 9, 2012

The Crazy Weather

Grabe naman yung ulan noh? Walang patawad, and to think na hindi naman bagyo yun. Grabe talaga.

I pray na sana tumigil na 'tong ulan na 'to. Masyado ng maraming namatay at nasalanta. Tama na Lord please....

Last Monday, while we were sleeping, nagising na lang ako kasi sobrang lakas ng kulog at kidlat. Parang may nagflaflash sa loob ng kwarto namin tapos ramdam na ramdam ko pa na parang nagvivibrate ang paligid dahil sa kulog. Nakakatakot. Niyakap ko nga si Bulilit eh. Feeling ko kasi end of the world na. Hayyyy...

The next day, nagising na lang ako na wala ng kuryente. Binaha kasi ang CAMANAVA... And syempre, para walang ng makuryenteng mga tao, pinatay na lang ang kuryente. Hindi naman kami binaha kasi mataas yung lugar namin. Pero sa highway, puro baha. Wala ngang sasakyan na dumadaan eh. Para bang ghost town. Wala ding mabilang pagkain kasi sarado mga tindahan. Mama went to SM pero panic buying ang mga tao, 3pm pa lang sinasarado na yung grocery. Mahaba pa pila kasi konti lang ang mga cashier, yung iba nga, bagger lang na tinuruan mag-cashier eh.

Back sa bahay namin, buti nakikisama ang Bulilit. Di naman sya nagrereklamo. Keber lang sya sa blackout kasi mahangin namin. Medyo nabobore lang siguro kasi hindi sya makapanuod sa TV. Maglaro at matulog lang ginawa nya. Yun lang, it's so hard to feed her. Ewan ko ba, nakikisabay pa sa ulan, nakakastress. Ayaw talaga kumain. Naghuhunger strike... Hek! Lahat ng ipapakain ko, ikakalat lang. It's so hard kaya to clean up pag walang ilaw. Ang hirap kumapa-kapa ng mga kalat noh? Ay sus...
Not in the mood for a picture Mommy! >:(
And then gusto pa lumabas, namimiss siguro yung kalaro nya. Hindi naman kami nakalabas kasi nga umuulan. Kaya yun, hanggang corridor lang sya. Nanahimik naman. 
Nakawala din!!! :D
Bukod sa pangungulit nya, I'm thankful naman na madali syang matulog kahit walang kuryente. She can sleep kahit hindi ko pinapaypayan. 

After 2 days and 2 nights na walang kuryente, ayun, nagkailaw din. Thank God!

The minute na nagkakuryente, binuksan ko kagad yung TV and played Barney. Tuwang-tuwa naman ang mokong. Nagtwitwinkle pa yung mata... Hehehe...

That's all. I hope everything will be alright na. Especially sa mga nasalanta, sana maging maayos na kalagayan nila. 

God bless the Philippines...



Tuesday, August 7, 2012

3-Day Sale at SM Valenzuela

Last Sunday, I went to SM Valenzuela para ipalit yung binili ni Mama na milk para kay Bulilit. Nagpalit na kasi kami ng milk. Di na yun ang gamit nya. It was past 7pm already and umuulan pa, I was thinking na konti na lang tao dun. Pag dating ko dun, Boom! Sandamakmak ang utawsibelles! May 3-day sale pala. Walang bagyo ang makakapigil sa mga kating-kati magshopping... Haha! 

Anyways, dumiretso na kagad ako sa grocery para mapalitan na yung milk. Mas mura yung milk na pinalit ko kaya may sobra pang amount. It's either daw exact amount yung ipapalit ko or mas mataas pa. I-cash ko na lang daw yung sobra. 

I roamed around first, wala kasi akong maisip na bibilin ko, and then I found this:
Shoe Box animal print flats - P299 only
Di naman ako fashionista, boring ako magdamit, poloshirt lang tsaka jeans ang usual outfit ko. Tsaka flats. Eh awang-awa na ko dun sa silver flats ko. Nabasa kasi kauulan, ayun, gutay-gutay na. Lumambot. Kaya nung nakita ko 'to, sukat kagad ako. And infairness, bagay sa paa ko... Haha! Yung ibang shoes kasi dun, panget ang fit eh, tsaka panget tignan sa paa ko. Di bagay. Ito okay naman. And ang nagustuhan ko pa dito, hindi sya gaanong pointed, hindi din masyadong rounded yung tip, sakto lang.

Sa next items na binili ko, umiral lang talaga ang pagka-Mommy ko. Yung tipong, "Ay! Magugustuhan 'to ni Bulilit!" 
My Little Princess Feeding Plate
P49.75
My Little Princess Tumbler
P49.75
My Little Princess Toddler Flatware Travel Set
P59.75
Ang cute noh? Pink kung pink! Bagay na bagay kay Bulilit. Ang cute pa ng tagline nyan, "Making mealtimes a glittery, sparkling adventure!" Pag uwi ko, inabot ko kagad kay Bulilit. Haha! Excited lang mga teh! Babalikan ko pa yung bowl nyan para kumpleto na... Hehehe...

Kayo, how's your weekend?


Friday, August 3, 2012

Bea & The Ref part 2

Remember my post here?

Love na love talaga ni Bulilit ang ref namin. Bukas-sara-bukas-sara... Napapadalas nga ngayon eh, nagpapalamig ata. Hahaha!

And now she knows where and how to get her food. The other day, she took the juice out and gave it to me.
Bea: Juice, juice, Mommy, Juice please?
Bea: Oh! Oh! OH!!! (inaabot sakin yung juice)

Mommy: Ano 'to? Buksan ko?

Bea: *giggles* *smiles*

After that, ito naman:
Ui yogurt! Akin 'to ah...
Lika dito yogurt ko... :)
 Pagkatapos nyang makuha yung yogurt nya, nilagay nya sa table nya at nagpupumilit umakyat sa silya nya mag-isa. Kakain na daw sya... Mukhang nagutom...
Yum yum yum... :D
Alam na nya talaga maghanap ng makakakain. Hehehe. Yun lang, laging nakatiwangwang yung ref namin. Ang alam lang nya ay magbukas.

Hey Bulilit, aralin mo na din isara yung ref ha?

Thursday, August 2, 2012

Dibencozide Heraclene and the quest to a fatter Bea

You all know that it's hard to feed Bulilit because she's a picky eater. She hates drinking milk from the bottle too. Tapos nagkasakit pa sya. Pagsama-samahin nyo yan, payatot na Bulilit ang result.

Ang daming nakakapansin na bumagsak daw katawan ni Bulilit. Hay.... I know. And I don't like it. Gusto ko medyo may laman si Bulilit. Hindi naman mataba, basta magkalaman lang. So when we went to her last check-up, I relayed my dilemma to the doctor. Sabi ko payat na sya, then wala pang ganang kumain. She then prescribed Dibencozide Heraclene.

It is in a capsule form. Buksan ko daw yung capsule then mix its contents with Ceelin in the morning, and then with Tiki-tiki in the evening.

Dibencozide increases the protein "efficiency coefficient", i.e., the percentage of "bound nitrogen" for protein build up in the body compared to "ingested nitrogen" with food intake. The initial sign of effectiveness is manifested by a marked increased in appetite. 

Thus, dibencozide:
  • facilitates optimum utilization of dietary protein intake
  • contributes to the formation and repair of body tissues
  • stimulates appetite


Hmmmmm, stimulates appetite huh? Let's see...
Day 1...
Lunch
 She had halo-halong togue. I don't know what to call it. Haha! Basta yung laman ng lumpia. Madami-dami syang nakain. Halos 3/4 nakain nya dyan...
Dinner
 She had ginulay na mais and rice. She almost finished it all. Plus nagmilk pa sya after kumain, mga 120ml din (madami na yun kasi dati 60ml lang pahirapan pa maubos). Mukhang effective nga...

We are on Day 7 now. So far, so good. Lagi na syang madaming nakakain. And I can say na medyo nababawi na nya yung pinayat nya. Plus lumakas na din milk intake nya.

Ok diba? Ito lang pala sagot sa problema namin. Hehehe... Sana patuloy pa syang magkalaman. Wish us luck!

Oh btw, according to our doctor, Heraclene is not like the vitamins daw na pwede mong inumin continuously. Parang pang correct lang daw 'to ng nutritional deficiency. I can't explain what she said that well. Shocks. So like kay Baby, for 14 days lang 'to ite-take.