The past week was very tiring for us.
Bea had an on-and-off fever. It started last July 20. I was nursing her, nakadapa sya sakin, then I noticed she's kinda hot. I checked her temperature, she got a fever. I gave her paracetamol, thinking that will cure her. So natulog na kami.
The next day, Saturday, may lagnat parin sya, but there's no other signs of her being sick. She's still very energetic, running and playing like the usual. I gave her paracetamol every 8 hours.
Sunday, I'm starting to get worried because the fever keeps coming back. Mawawala lang saglit tapos yan na naman. Naprapraning ako kasi she got an insect bite on her arm. I did a
tourniquet test on her arm, titignan ko kung may lalabas na spot. Eh kaso nagwawala ang bida, naglulupasay talaga at mega ngalngal. Nakakaawa kaya tinanggal ko kagad 2 minutes palang. Wala namang lumabas na rashes.
Monday, Bea's 14th monthsary, we decided to take her to the hospital kasi hindi nga nawawala 3 days na syang may lagnat and ayaw nyang kumain. Ang laki na ng pinayat nya. Before we went to the hospital, dumaan muna kami sa simbahan. There I prayed na sana hindi ma-confine si Bulilit.
At the hospital, the doctor said to have her CBC-Platelet and urine tested. Oh God, here we go again with the urinalysis. This is what I hate most. Ang hirap kasi ipa-urinalysis ni Bulilit. Sobrang tagal. Talagang aabutin kami ng siyam-siyam sa paghihintay ng wiwi nya. First, I had her blood checked. Grabe! Siguro alam na nya kung anong mangyayari kasi kauupo palang namin sa laboratory, ngalngal na agad ang bida. Di umubra yung pang-uuto ng medtech sa kanya. After that, nilagyan ko na sya ng wee wee bag or urine bag. Alam na naming matatagal sya bago magwiwi kaya kumain muna kami sa Jollibee. Pinainom namin sya ng maraming tubig at pineapple juice. After we finished eating, we went back to the hospital. I checked the bag, ayun, sa sobrang likot natanggal sa pagkakakabit yung wee wee bag. Napunta lang sa diaper lahat ng wiwi. This is so frustrating. Bili na naman, tapos pahirapan pa ngayon magkabit kasi nagwawala na naman ang bida. She was sleepy na kasi pero ayaw naman matulog. Di ko na sinuotan ng diaper this time para makita namin kung nagwiwi na sya. Ayun, mas okay pala na naka-bold lang sya kasi shoot lahat ng wiwi sa bag unlike pag nakadiaper natatapon lang.
|
Ang batang may wee wee bag... :P |
After a few minutes, the results are out. I read it, mababa yung platelet count and mataas yung WBC. Oh no, dengue nga ito!!! Tapos the doctor called us in. pasimula pa lang naman daw yung dengue. Pwede pang maagapan, no need to confine. She then prescribed her with an antibacterial drops then just continue to give her paracetamol every 6 hours. She said that we have to go back the next day for a repeat of blood test. I-monitor ko lang daw kung tataas masyado yung temperature nya, kasi pag ganon, dalin ko na daw ulit sa ospital.
So yun, I religiously followed her prescription. Ngayon ko lang naranasan ang pahirapan sa pagpapainom ng gamot. Bea HATES the antibacterial kasi. She wasn't like that naman before, itong gamot lang na 'to yung inayawan nya. Dati itatapat ko lang yung dropper sa bibig nya, nganganga na sya then sisipsipin na nya yung gamot. Ito talaga iba. SHE HATES IT! I even wrestled her just to make her drink it. She was crying so much, Mama went into our room and asked what's happening. Sabi ko ayaw ng gamot. But she have to take it para gumaling sya. 2nd try, sinuka lahat pati kinain nya that night. Oh my, so frustrating. Tinikman ko, ang panget naman kasi ng lasa, ang lapot pa, ang hirap lunukin. Tsk tsk tsk! Kaya naman pala... After she calmed down, pinainom ko ulit, this time, paunti-unti, she would spit out some, then paiinom ko ulit sya ng konti. Ayun sa awa ng Diyos, natapos din naman. After the drama over the medicine, nakatulog agad sya sa pagod kangangalngal.
The next day, Tuesday, we came back for another blood test.
|
They pricked my finger! Huhuhu... |
This time, the platelet count went up and the WBC have already came down. Thank God! We have to be back after 3 days. Continue ko lang daw ang gamot.
Friday, last day of the check-up. This time, kaming dalawa lang ni Bulilit. No Mama in tow kasi she had her own check-up sa PGH. It was raining that time so it was harder for me to bring Bulilit to the hospital. When we got there, si aligaga na naman sya. Lakad dito, lakad doon. Akyat dito, akyat doon. Gusto pang lumabas, eh umuulan nga. Tagaktak na pawis ko teh! I became tired of running after her, kaya binuhat ko sya at pinaupo sa upuan. And guess what she did. Ayun, she put up a drama for all the student nurses to see. Jusme! Baka akalain nila pabayang ina ako. Haha! Ay naku anak, nakakaloka ka ha... :P
|
My little drama queen... :) |
|
Patch kung patch ang labanan... :D |
Nilagyan ko na ulit sya ng mosquito patch. Tsaka pinahiran ko ng mosquito repellant. Praning lang. Haha!
Back to normal na ang results ng blood test. The doctor gave me another prescription. This time, pampataba at pampagana naman kumain ang binigay. Kasi nga ang laki na ng pinayat ni Bulilit. Sana gumana.
Baby, okay lang na makulit ka, wag ka lang magkakasakit ha? ;)